CanadaPolitics

Dokumentaryong “Inay”, sentro sa epekto ng pangingibang bansa ng mga ina

Nagsimula na ang filming para sa “Inay,” ang bagong dokumentaryo ng Filipino-Canadian filmmaker na si Thea Loo.

Tungkol ito sa pangingibang bansa ng mga ina at ang epekto nito sa mental health ng mga pamilya.

“I’m specifically looking at the way that migrant labour and labour export policy is affecting the mental health of the folks who come from Philippines to Canada,” ani Loo.

“Specifically, looking at the way that the live-in caregiver program separated mothers and children and families back home, and how that separation can have a lasting impact on the children when they do come to Canada and do grow up.”

Paulit-ulit daw kasing narinig ni Loo ang mga kwentong ito mula sa mga malalapit sa kanya.

“It’s always just been right in front of me. It’s really evident in my community, I’ve just never thought deeply about it until I made a friend who really opened me up to how it affected her life,” aniya.

Si Loo ang direktor at subject ng dokumentaryo. Kasama niya ang kanyang asawa na director of photography ng proyekto.

Aniya, mabuti raw kung makarating ang dokumentaryo sa gobyerno at magkaroon ng dagdag suporta para sa mga immigrant communities.

“I think that the labour export between the Philippines and Canada is all about the economy but it’s done at the expense of the way that families are held together in the Philippines,” ani Loo.

Mahirap daw ang paghiwalay ng mga pamilya kaya mahalagang marinig ng gobyerno ang mga kwento para maayos ang mga immigration pathways ng Pilipinas at Canada.

Apektado raw ang mga relasyon ng mga Pilipinong nakaranas nito lalo’t may ugali ang mga Pilipino na gawin ang lahat habang nakakalimutang alagaan ang kanilang sarili.

Kaya hinihikayat niya ang komunidad na pag-usapan ang mental health matapos mapanood ang dokumentaryo.

“I’m hoping mainly that it’ll help people communicate more with their families, hopefully it becomes something that instigates conversation between parent and child,” ani Loo.

Nakatakdang ilabas ang “Inay” sa susunod na taon sa Knowledge Network. Umaasa rin silang maipalabas ito sa iba’t ibang film festivals sa bansa.

LATEST

FILIPINO

STORIES

LATEST

FILIPINO STORIES

Korean-American Actor Kevin Kreider...
Gastusin, financial uncertainty mga...
Solo exhibition ng umuusbong na...
Maraming immigrants, hirap makausad...
SEE ALL FILIPINO CONTENT
  • PORTUGUESE ARABIC PORTUGUESE
  • ARABIC ITALIAN ARABIC ITALIAN
  • ENGLISH MANDARIN ENGLISH MANDARIN
  • MANDARIN FILIPINO MANDARIN FILIPINO

ABOUT


OMNI


TELEVISION


OMNI Television is Canada’s only multilingual and multicultural television broadcaster.

OMNI offers a wide range of locally produced and acquired programming in more than 40 languages, including news, current affairs and entertainment content in Arabic, Cantonese, Filipino, Italian, Mandarin, Portuguese, and Punjabi.

ABOUT US